Santo Papa Juan Paolo II
"Pagpalain siya ng Panginoon"
Ang sumusunod ay isang ulat nang pribadong pakikipagkita sa Santo Papa.
|
Makikita ang Santo Papa na binabasa ang didikasyon
ni Vassula na nakasula sa unang pahina ng isa sa mga aklat ng mga mensahe sa
Totoong Buhay sa Diyos.
Para makita ang mas malaking litrato, pindutin ang litrato.
|
14-02-98
Pakikipagkita sa Santo Papa
Kasama ng dalawang kaibigan, si Anu at Abhay George, na nagbuhat sa Kerala sa India, ngunit sa Denmark nakatira, Ako, si Niels Christian Hvidt, ay nagkaroon ng pagkakataon na sumama sa Banal na Misa ng Santo Papa sa kanyang Pribadong Kapilaya. Ito ay nangyari noong ika-10 ng Pebrero, 1998.
Sampung pari ang nakisama sa Santo Papa, at lahat-lahat kami ay may 23 na lay-people na kasama. Pagkatapos ng napakaganda at simpleng misa, ang Santo Papa ay tinanggap kami sa kanyang silid-tanggapan o na malapit sa Pribadong Kapilya,at namigay ng Rosaryo at bindisyon at binati ang isa't-isa. May limang tao ang nagdala ng regalo sa Santo Papa.
Dala ko ang ika sampung aklat ng Totoong Buhay sa Diyos sa Pranses. May ilang buwan na ang nakakaraan, inihandog ni Vassula ito sa Santo Papa at ibinigay ang aklat sa akin. Sa loob, sa unang pahina ay nakalagay:
Pour le Saint Pere Jean-Paul II.
Que Dieu vous benisse et vous protege,
Vassula
(Sa Santo Papa Juan Paolo II. Pagpalain ka ng Diyos at pangalagaan ka sana, Vassula.)
Siya ay lumapit habang hawak ko ang aklat, Pagkatapos tanggapin ang Rosaryo at halikan ang kanyang kamay,sinabi ko sa Aleman: " May dala akong isang napakahalagang aklat para sa iyo. Ito ay aklat ni Vassula" Ang Santo Papa na may pagkawili ay tumugon "Ah! Vassula!" At si Mons. Stanislaw Dziwizs, na may dekadang nang personal na Secretaria of the Santo Papa at tatlong araw na ng itinakdang obispo, na may interest sinabing: "Vassula!" Parehong maliwanag na nakilala ang pangalan ni Vassula.
At ako ay nagpatuloy sa pagsabi: "Inihando niya ito para sa iyo". Na may taos-puso at mainit na kawilihan tiningnan ng Santo Papa ang aklat, binuklat ito at nakita ang pagbati ni Vassula at sinabi "Gott segne sie": "Pagpalain siya ng Panginoon". Siya ay nag-krus sa harap ng aklat. At ito ay ibinigay niya kay Mons. Mietec, na nangongolekta ng mga regalo, upang tingnan muli ng Santo Papa pagkatapos ng mga bisita.
Bago siya lumapit sa sumusunod na tao sa grupo, sinabi ko sa kanya: "Kami ay nagdadasal para po sa iyo, mahal na Santo Papa", at siya ay tumugon nang "Salamat!"
Niels Christian Hvidt
Accademia di Danimarca
Via Omero 18
I-00197 Roma
Ang sumusunod ay salita ng Santo Papa Juan Paolo II, na sinabi sa espesyal na mga panauhin sa Vatican, ay galing sa edisyong Espanyol ng L'Osservatore Romano, noong ika-16 ng Agosto 1996.
(Ang binsyong Apostol ay ibinigay ng 9 na buwan pagkatapos ilabas ang Notipikasyon.)
"Aking taus-pusong sinasaluduhan ang mga tao ng wikang Espanyol na naririto ngayon lalung-lalo na ang mga grupong relihiyosa ng Congregation of 'Saint Teresa of Jesus' at ang GRUPONG ESPIRITUAL NG 'TOTOONG BUHAY SA DIYOS'. Panalangin ko na sana itong makabuluhan at espiritual na "summer" na ito ay makakatulong sa pagpapatunay sa kanikanilang Kristiyanong pangako upang ang kanilang bukas-palad na pagsagot sa Diyos ay maging saksi sa Kanyang pag-ibig sa mundo. Ibinibigay ko sa inyo, na may pag-ibig at sa inyong mga mahal sa buhay, ang bendisyong Apostol"
|