PANIMULA SA MGA MENSAHE


Vassula Rydén,myembro ng Greek Orthodox Church, ay binigyan ng Panginoon ng isang natatanging biyaya or karisma na tinatawag na "locutions" mula noong ika-28 ng Nobyembre 1985. Sinusulat nya ang mga makakalangit na mga mensahe sa kwaderno. Ang mensahe ay naglalaman ng agad-agarang tawag ng Diyos para sa ating pagbabago. Ang mga mensaheng ito ay na-emprenta na at naisalin sa mahigit na tatlumpung wika.

Kapag ang Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng mga ganitong mensahe, mapapansin natin ang tono ng Pag-asang ibinibigay Niya sa atin. Oo nga't, susuatan Niya tayo ng maraming beses, dahil Siya ay Ama, at tulad ng pagsusuat ng isang ama sa kanyang mga anak kapag sila ay nagkakamali, gayon din Siya, ngunit ginagawa niya ito ng may pag-ibig dahil Siya ay Pag-ibig at nilikha niya tayo mula sa pag-ibig upang ibalik ang pag-ibig na ito sa Kanya.

Ang mga mensahe ay naghahayag kaloob-loobang imahen ng Diyos tungo sa kanyang mga nilikha at ang Kanyang hinihiling sa isa't isa sa atin ay maging malapit sa Kanya upang maunawan natin Siya na huwag nating kalimutan na Siya ay Banal at dapat nating isabuhay ang "takot sa Diyos." Gayon pa man, nagpapa-alala Siya na huwag nating kalimutan na Siya ay Banal at dapat nating isabuhay ang "takot sa Diyos."

Ang mga mensaheng ito ay tawag patungo sa ating simulain at paalaala sa Kanyang Salita at sa Kanyang Buhay. Katulad ng sinabi ng Panginoon kay Vassula: " Sabahin mo sa kanila na ang mensahing ito ay hindi ibinigay upang maging isang sensasyon, ngunit upang maintindihan nila ang kahalagahan ng kaagad-agarang pagbabagong-loob, ang kahalagahan ng lagay ng kanilang espiritu, ang kahalagahan ng pagbabagong buhay at mamuhay ng banal."

Sa mga mensaheng ay mayroong panawagan ang Panginoon sa mga Iglesia na sila ay magkaisa, lalong-lalo na ang pagkakaisa sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay. Mayroong mga pagpapatunay sa mga mensahe ukol sa napakalubhang pagbabalikwas na sinabi ni San Pablo sa 2Th.,ch.2 at ang espiritu ng rebelyon sa ating panahon ay napakatindi. Ang espiritu ng rebelyon ay tumagos na parang isang usok sa Iglesia na nagudyok sa mga obispo at mga pari (Katoliko) na lumaban sa kanilang pastol (Santo Papa). Tinantawang sila ng Panginoon na magbalik-loob at maging tapat sa Santo Papa. Ngunit ang pagwawagi laban sa kasamaan ay hindi nalalayo at ang Dalawang Puso (ang Kalinislinisang Puso ni Maria at ang Kabanal-banalang Puso ni Hesus) ay magtatagumpay laban sa kasamaang ito.

Mayroong tawag na kilalanin ang presensya ni Kristo sa kanyang pagka-Diyos at sa Eukaristiya at kilalanin si Maria na siya ang Ina ng Diyos. Mayroong higit na 5-libong reperensiya sa Espiritu Santo at mga malalim na turo sa mga gawain ng Esiritu Santo.

Ang Panginoon ay naghayag ng mga mensaheng tunkol sa Iglesia ng Rusya, na nagsasabing ang Rusya ang magiging bansa na magpupuri sa Kanya na higit pa sa ibang mga bansa at ang Rusya din ang magiging puno (Espiritwal) ng maraming nasyon. Ngunit ang higit na nakakabigla sa mga mensahe ay ang pagmamahal ng Diyos na ipinapakita sa atin, sinisiwalat ang Kanyang walang hanggang kabaitan at awa. Ang paglalarawang ibinigay ni Kristo tungkol sa Diyos ay nagbibigay ng napakagandang buod ng Kanyang larawan: " Ang aking Ama ay Hari, ngunit may pagmamahal na kapara ng isang ina, isang Hukom, ngunit napaka-lambing at napaka-mapagmahal, Siya ang Simula at Katapusan, ngunit magpakumbaba. "

Sa mga mensaheng ito, pinipilit ng Diyos na buhayin sa atin ang patay na. ito ang dahilan kaya ibinubuhos niya ang kanyang Espiritu Santo lahat ng tao upang ibalik tayo sa Kanya, mamuhay ng tunay na Buhay sa Kanya. Nangako Siya na magkakaroon ng bagbuhos ng Kanyang Espiritu Santo sa lahat ng tao, na walang ihahalintulad sa nangyari sa kasaysayan, na magbabago sa anyo ng buong mundo. Ito ang pag-asang aabangan natin.

Mayroong mga bahagi ng Bibliya na mula sa Aklat ng Apokalipsiya at aklat ng Propetang Daniel na sinabi ng Panginoong Hesu Kristo ang ibig sabihin nito sa mga mensahe.

Bakit ang Diyos ay sabik na sabik na ihayag ang Kanyang Sarili muli ng napakalakas sa panahong ito na dahil upang iligtas Niya tayo? Noong sinabi Niya sa isang mensahe: " Tinitingnan ko ang mundo ngayon at ako ay nagsisisi...ang Aking mga mata ay nakakakita ng mga bagay na ayaw Kong makita at ang Aking mga tenga ay nakakarinig ng mga bagay na nakaksindak Kong pakinggan! Ang aking puso, bilang Ama, ay nakakaramdam ng pagdurusa. Nilikha ko ang tao sa aking larawan, pinababa nila ang kanilang pagkatao at ngayon ang kanilang hitsura ay kamukha na ng demonyo! Ang puso ko ay nagdurusa dahil sa mga nakikita Ko sa mundo at ang nakikita ko ay hindi sangayon sa kagustuhan ng Aking puso...ang inyong Ama ay namumuno sa lahat, ngunit hindi kasama ang inyong kalayaan, at binaboy ng tao ang kanyang kalayaan..." Dahil dito, ang Diyos na siyang lumikha sa atin ay makikialam ngayon muli sa ating panahon.

sa ngalan ng Dalawang Puso,


Vassula



balik sa homepage