|
|
Si Vassula Rydén ay sa ipinanganak na Greko at nanirahan ng matagal sa mga mahihirap na mga bansa. Nang mangyari ang lahat ng ito, siya ay isang magaling na pintor, manglalaro ng tennis at asawa ng isang Swedish na dalubhasa sa internasyonal na pagdedebelop. Mga angel o anumang bagay na may kinalaman sa relihiyon ay hindi kasama sa kanyang mga gawain. Pero nang ang kanyang lapis ay mysteryosong gumuhit ng isang puso na may bumubungang isang bulaklak na rosas at ang kanyang kamay ay dahan-dahang ginalaw at pinatnubayan upang sabihin sa kanya sa isang napagandang sulat kamay na: Ako ay ang iyong angel dela guardia at ang aking pangalan ay Daniel," ang kanyang buhay ay nagbago.
May labin-dalawang taon na ang nakakalipas, siya parin ay nakakatanggap ng mga kakaibang mensahe.Mayroon nang mahigit kumulang na 80 sulat kamay na kwaderno. Ang mga mensahe ay naididikta nang isang boses na nagmumula sa kanyang kaluluwa at ang naisusulat ng sulat kamay na kakaiba sa sulat kamay ni Vassula (Tingnan ang sulat-kamay) habang pinapabayaan niyang patnubayan ang kanyang kamay sobrenatural. Ang napakalalim na pakiramdam ng kaganapan at kapayapaan ng kanyang personalidad ay makikita pag siya ay iyong nakilala o pag narinig mo ang kanyang boses. Sa pagsusunod sa utos ng Panginoon, siya ay naglalakbay sa buong mundo na isang napakalaking sakripisyo upang ibahagi ang kanyang mga karanasan at ang mga mensahe sa lahat ng tao. Wala siyang tinatanggap na anumang bayad o donasyon sa kanyang pagpupunyagi. Ang kanyang espiritual na tagapagpayo ay si Padre Micheal O'Carrol CSSp, na isang dalubhasa sa theolohiya at miyembro ng Pontifical Marian Academy.
Mayroon nang mga sampung-libong mga tao sa may limang kontinente ang nabagbag ang loob ng dahil sa mga mensahe. Obispo, pari, ministro, teologo, at mga dalubhasa sa Bibliya ang naniniwala na si Vassula at ang mga mensahe at tunay at kapanipaniwala, na ang Diyos, sa pamamagitan ni Vassula, ay tunay na kumakausap sa isa't-isa sa atin- kahit na ano pa man ang paniniwala natin- sa panahon na ang tao ay nangangailangan ng isang Banal na patnubay.